Second Male Leads ?

kelangan ba talaga may second male lead ? i mean hindi ba exciting parin naman ang isang story kahit walang second male lead ?

bakit may kelangan masaktan ?, bakit kelangan may maging pangalawa ?
why can’t we just give everyone a happy ending ?

sa mga kwento, madalas SML yung mabait, yung matalino, yung mapagmahal ,yung handang ibigay lahat pero sila pa yung naiiwan tapos nasasaktan

sila lagi yung nag aadjust, i mean parang obliged sila to be there for the Female Lead, na in any dire situations tapos wala yung bidang lalaki, sila yung sasagip.

mabibigyan ng screen time para ipakita yung unrequitted love nila for the FL pero in the end sila rin lang yung masasaktan

may mga time din na yung bwiset na FL, magulo utak, maffall sa SML, paaasahin, kunwari sweet sweet, lahat ng problema ibubuhos sakania tapos in the end PUTANG INA, IIWAN DIN TAPOS TATAKBO PABALIK SA GAGONG MALE LEAD 😤

bakit ba laging may ‘villain’ kung pare-pareho din naman na nagmamahal mga tao ? ofc sino ba namnn ayaw magmahal tapos mahalin diba ? pero bakit ganon ? laging may nala-lable na ‘kontrabida’ ?

may tama at mali ba sa love ?

… para sayo, handa akong maging SML
… para sayo, okay lang kahit ako yung maging villain

SHET

kaya ang complicated ng love eh, ang daming aspects, ang daming factors at variables pero walang control

bakit pinipili ng iba na hanggang one-sided at unrequitted lang yung feelings nila ?

bakit yung iba handang maging masama para sa taong mahal nila ?

bakit nababaliw yung iba pag nagmahal sila ?

bakit yung iba, tinatago nila na nasasaktan na sila para lang maging masya yung mga mahal nila ?

Leave a comment